

Bukas ay aalis na ako patungong Amerika. Halos dalawang buwan din ang aking bakasyon doon. Bukas ay makikita ko na rin ang aking ina na halos dalawang taon ko na ring hindi nakikita. Bukas ay makikita ko na rin ang aking mga kapatid na halos isang taon ko nang hindi nakikita. Marahil bukas ay magiging ayos ang lahat. Ngunit ngayon pa lang ay may nararamdaman na akong kakaiba. Isang pakiramdam na madalas nararamdaman ng bawat isa sa atin pag may iniiwan siyang importante – pagkamiss.
Kani-kanina lang, biglang may bumulabog sa aking puso. Bigla kong naalala ang mga bagay na nagawa at ginawa ko sa sa aking ikalawang taon sa kolehiyo. Bigla kong naalala ang aking mga kaibigan na nariyan para sa akin sa mga oras na kailangan ko ng mga karamay. Namiss ko na sila. Namiss ko na ang eskuwelahan. Marahil ay kakaiba ang nararamdaman ko. Gusto ko nang bumalik sa kolehiyo. Gusto ko na ulit pumasok sa aking unibersidad na kilalan-kilala sa buong Pilipinas. Mantakin mo ba naman, UP yon! Pero gaya ng laging tinatanong ng ilan matapos tanungin kung saan ako pumapasok ngayon, Diliman? Hindi po, Manila. Gusto ko nang pumasok muli sa mga kuwarto ng Rizal Hall at Gusaling Andres Bonifacio kung saan doon ako ay natututo. Gusto ko nang muli umupo sa mga upuan sa kantina. Gusto ko nang muli uminom sa umaga ng Iced Coffee at kumain ng Ham and Cheese Sandwich o Pizza Bread.
Dalawang semestre ang aking binuno sa isang taon – dalawang semestre ng hirap at pagod. Dalawang semestre ko nang ginagawa ang pagpunta sa kolehiyo mula sa Pasig sa pamamagitan ng MRT, LRT, at jeep. Inaabot ako ng mga isang oras sa pagbiyahe, kaya naman pag dating ko sa kolehiyo, bibili agad ako ng pagkain, o kaya naman pag-uwi ay matutulog muna ako. Mamimiss ko ang mga bagay na ito, kahit ba dalawang buwan kong hindi matitikman ang ganoong mga gawain.
Sa aming unang semestre, kasisimula pa lang, may pinoproblema na ako noon – ang aking completion requirement para sa Comm II. Hindi ko kasi natapos ang aking Huling Papel para sa kursong ito dahil maraming mali ang aking gawa. Opo! Hindi akong ganoong talino sa kursong ito, ‘di gaya ng aking mga kaibigan at kaeskuwela. Pahirap kasi ang aming propesor doon. Hindi man niya dinederetso sa akin ang kanyang punto, gusto niyang papalitan sa akin ang lahat ng references ko – outdated na daw kasi at puros foreign daw. Mali ako sa paggamit ng mga ganoong libro, ngunit mahirap maghanap ng mga librong magagamit ko na bagu-bago at ginawa pa ng isang Pilipino kasi naman, sex education ang topic ko para sa papel. Siguro ay iisipin niyo na bakit hindi ko na lang baguhin, mag-isip ng isang topic na babagay sa aking panlasa. Kung pwede ko lang sanang ipilit ang topic na gusto ko talaga – witchcraft, ang kaso, ayaw niya. Gusto niya kasi ay isang bagay na may kinalaman sa lipunan na ginagalawan natin ngayon, isang bagay na may kuneksyon sa Pilipinas.
Sa totoo lang, hindi ko buong semestre pinag-isipan ang tungkol sa aking Huling Papel. Bakit ko naman iisipin ang isang bagay kung may iba pa akong bagay na dapat problemahin. Sa unang semestre ng aking ikalawang taon sa kolehiyo, Puros Hirap ang inabot ko. Kung makikita niyo lang ang aming block pictures kung saan may kuha ang aking barkada noong unang semestre at mayroon din noong ikalawang semestre – tumanda ang hitsura ko. Sobrang stress kasi ang inabot ko sa ikalawang taon ko. ‘yon nga, unang semestre, Zoo10, Chem27, at Physics21. Tatlong kursong kailangang pagtuunan ng sobrang pansin. Zoo10, kailangang mag-memorize. Chem27, kailangang mag-praktis na lutasin ang mga problema ng tama, accurate, at precise. Physics 21, kailangang pag-aralan mabuti at mag-praktis din sa paglutas sa mga problemang ibinibigay ng propesor.
Nakalimutan kong idagdag ang isang kursong kinuha ko rin sa unang semestre na medyo nakakainis sa hirap – CommIII. Sa kurso kasing ito, kinakailangan kong magbasa ng kung anu-ano, magkabisado ng mga speech, at ideliver ang speech na ito sa harap ng klase. Hindi sa pagmamayabang, medyo nadalian ako dito sa kursong ito, madaldal kasi ako. Pero kahit na ganoon, nahirapan pa rin ako. Biruin nyo ba naman, kasunod ng oras ng Chem27 ang kursong ito, pagpasok namin sa kwarto ng CommIII, lantang-lanta na ang mga utak namin.
Pero hindi naman laging ganyan ang nangyayari sa akin sa bawat araw na ginawa ng Diyos. May mga panahon din na nagpapakagago ako at nagpapakabaliw (o kaya’y nakikipagaway). Naalala ko ang isa naming kaklase sa CommIII at Physics21. Babae siya. Hindi ko siya gusto. Wala siya sa kalingkingan ng dreamgirl ko. Ganito kasi ang mga pangyayari kaya naalala ko siya (at marahil ay maaalala rin ito ng aking mga kaibigan): sa aming klase kasi sa Physics21, may mga takdang-aralin na ibinibigay an gaming propesor na dapat naming sagutin. Sa susunod naming pagkikita, tatawag an gaming propesor ng isang taong sasagot sa isang tanong sa aming takdang-aralin. Minsan kasi, tinawag ang babaeng ito ng aming propesor. Siya nga pla, ang tawag namin sa kanya ay AE, paboritong salita niya kasi ang “and ev’rything” noong ipinakilala niya sa klase ang kanyang kaibigan sa aming CommIII. Bale, sinagutan niya ang tanong sa aming takdang-aralin. May isa kaming kaibigan na biglang nagsalita ng medyo malakas lang naman at sinabing, “Ganun lang ‘yon?” Natawa kami. Oo nga, ganoon lang bang sagutin ang tanong sa aming takdang-aralin, isang tanong na nakakalito. Sa loob-loob naming, mali talaga iyong sagot niya. Pero, hayun na siya at ipinapaliwanag ang sagot niya. Napakasimple ng pagpapaliwanag niya. Sabi niya, “we just divide the given mass by 9.8 meters per second. Since hindi magkamukha ng mass, no! Hindi siya pure gold!” Kinimkim ko na lang (ata) ang tawa ko noon. Hindi ko alam kung bakit ako natawa. Siguro ay dahil alam ko na mali iyong sagot niya at pinagtatawanan ko siya dahil mali siya. Alam kong masama, ngayon ko lang din naisip na masama. Pasensiya na, masama talaga, pero sa sarili kong opinion, tama lang sa kanya ang mapahiya naman kahit minsan. Sa aming klase kasi sa CommIII, maraming nakakainis at nakakairitang comments kasi siya na ibinigay sa amin. Sa bawat pagbigkas kasi namin ng aming speech sa klase, kinakailanang magbigay ng mga manonood ng comment sa taong nasa harap. Tinuruan pa naman kami ng mga Barriers to Effective Listening na hindi namin dapat sanayin, tapos hindi niya gagamitin ang mga bagay na natutunan namin. Kung anu-ano kasing comment ang inilagay niya na wala namang kinalaman sa ikagaganda ng mga gagawin pa naming pagbikas sa klase. Masama na kung masama, pero nandoon na ‘yon eh. Nangyari na ang mga nangyari.
Sa aking unang semestre sa ikalawang taon ko sa kolehiyo natamasa ang sakit ng pagbagsak sa isang pagsusulit. Buti na lang at may mga bonus points at may mga corrections kaya ako nakapasa. Pero noong natanggap ko ang aking papel na kung saan nakasulat ang grade na 42%, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto kong umiyak, pero tumatawa ako. Buti na lang at nagbago iyong grade ko at naging 50%. Sa unang semestre ko rin natanggap ang isang marka na inaayawan ko. 2.5 ang nakuha ko sa Chem27 at Physics21. Ayos na sana ang dos pero ayaw ko ng mas bababa pa doon. Opo, grade-conscious ako. Gusto ko lang naman kasing maabot ang aking pangarap na makapasok sa UP Medicine. Isang malaking pribelehiyo kasi ang makapasok sa UP Medicine. Mura na ang bayad sa pag-aaral, dekalidad pa na edukasyon pa ang makukuha mo. At tsaka, gusto ko rin kasing patunayan sa mga tao sa paligid ko na kaya ko ang pinasok kong kurso. Naalala ko kasi ang isa kong pinsan na nakapagtapos na sa UP Medicine. Sabi niya, “kaya mo pa ba ang Public Health?” Sabi ko, “oo naman.” Para kasi siyang walang bilb sa akin. Mahirap daw kasi ang Public Health. Kesyo mahirap daw ang mga pinag-aaralan dito, kesyo mahirap daw makapasok ang Public Health Graduate sa UP Medicine. Naku, parang ayaw yata niya akong makatapos e. Lalo lang niyang pinahihirapan ang loob ko. Nahihirapan na nga ako, sana naman e konting encouragement man lang. Tapos nariyan pa ang aking mga tito at tita sa panig ng aking ama. Kung hindi Dr. Urgel na ang tawag sa akin, “narito pala an gating future doctor e.” Naalala ko na naman ang isa kong tiyo, nakita niya ang GWA ko. Mataas ung GWA ko kasi may incomplete ako noon (ikalawang semestre sa aking unang taon sa kolehiyo). Sabi niya, “ang taas naman. Ay! 16 units lang pala e. At may incomplete pa.” Nakakainis. Hindi naman sa gusto kong purihin niya ako, pero parang ibinababa niya ang dignidad ko sa harap ng ibang tao. Kung alam ko lang, may hinanakit siya kasi… Ah basta! Ako na lang nakakaalam noon.
Noong sembreak sa taong ito, may dala-dala pa rin akong problema sa aming bahay mula sa eskuwelahan. Ang aking CommII. Hindi ko pa rin siya tapos. Isang taong palugit lang ang ibinibigay sa kung sinumang may kulang sa kahit na anong kurso. Nakakakalahati na ako ng taon. Natapos ko naman gawin ang Huling Papel ko, pero naubos naman nito ang aking buong sembreak. Sa loob-loob ko noon, ayoko nang mag-aral. Nahihirapan na ako sa pag-aaral. Gusto ko nang mag-lie-low sa pag-aaral. Pero hindi pwede! Tiyak, papagalitan ako ng aking magulang at lalo na ng aking kuya. At tsaka, hindi pwede kasi msy mga pangarap ako sa buhay na gusto kong abutin. Kaya, titiisin ko na lang kung anumang dumating.
Sa ikalawang semestre naman, Puros Hirap pa din ang aking natamasa. OrgChem at Comparative Vertebrate Anatomy. Pusa at pag-synthesize ng sabon, aspirin at dye. Matinding hirap ang dinanas ko sa pag-aaral para sa mga pagsusulit sa CVA. Napakadaming dapat aralin at kabisaduhin para sa iisang kursong ito. Dagdag pa diyan ang pag-aaral sa buong pusa, mula sa laman nito, sa buto, puso, tiyan, at mga daluyan ng dugo, pati na rin ang mga nerves nito. Sa OrgChem naman, ang daming kailangang isaisip (at isapuso) para lang pumasa sa mga pagsusulit. Ngunit may isang pagsusulit akong naibagsak. Nag-aral naman ako doon, pero hindi naging sapat ang aking pag-aaral para sa pagpasa sa pagsusulit na iyon. Dagdag pa diyan ang pagpapangalan sa mga organic compounds at sa kung papaano malalaman ang presensiya ng isang elemento o functional group sa isang organic compound.
Ngunit, dahil sa pagkaGC ko, nasiyahan ako sa takbo ng aking mga marka para sa semestreng ito. Sa CVA, naka-1.75 ako. Mataas sa aking inaasahang marka. 2.25 naman sa OrgChem. Basahin niyo na lang ang aking ibang entry para malaman kung anu-ano ang mga nangyari sa akin sa aking ikalawang semestre. Nariyan sa iba kong entry ang ilang mga bagay na nakapagpa-inis sa akin, at ilang mga bagay na nakapagmulat sa akin sa kung ano ang nangyayari sa paligid.
Siguro ay iisipin nyo kung bakit namimiss ko ang eskwelahan gayung Puros Hirap lang naman ang dala nito sa akin. Kasi nariyan ang aking mga kaibigan. Sila ang nagbigay sa akin ng lakas para tanggapin ang kung anumang dumating sa akin. They were and will still be the guide of the dreamer. Maraming masayang bagay ang dulot ng paaralan. Diyan ka makakakita ng mga tunay na kaibigan (basahin ang ilan kong mga entry kung saan nalilito ako kung totoo ko bang kaibigan ang isang tao o hindi), at ng mga bago. Diyan mo rin mararanasan ang mga bagay na hindi mo inaasahang magagawa mo. Mali sigurong sabihing namimiss ko ang eskwelahan kung ganoon lang ang dahilan ko kung bakit. Pero namimiss ko talaga ang eskwelahan dahil ito ang maghahatid sa akin sa daan patungo sa aking pangarap. Pero siyempre, nariyan ang Diyos, ang ating Panginoon, para suportahan tayo sa lahat ng ating ginagawa. Nariyan Siya para suportahan ako sa mga desisyon ko sa aking buhay.
* * *
Kung mapapansin niyo, hindi na ganoong ka-extensive ang huling parte ng aking entry. Medyo tinatamad na kasi ako, at nagugutom. Pero mababasa niyo naman kasi ang mga pangyayari sa aking ikalawang semestre sa iba kong entries e. Sa ikalawang semestre ko kasi binuo ang blog kong ito.
//UndEr ThE bOOks//
pass my exams
be a Laude, nyahaha
not study for the exams, but still pass them
//LiNKsSs//
fEELing rOcksTar (krissy)
peminista (tricia)
franciscka (francine)
mademoiselle GC (kris)
the b_est show(dette)
simply_(dju)
wandering soul (nicie)
juicypapaya (danlen)
mani ni (rox)
purple gem(jem)
kabaliwan... (tal)
prinzesza (lea)
Games Download
//aRChiVes//
January 2005
February 2005
March 2005
April 2005
May 2005
June 2005
August 2005
September 2005
October 2005
November 2005
February 2006
//cReD!t//
Blogger
Blogskins
Des!gner
Tag-board
Photobucket